Malasakit para sa Bawat Biliranon DUAW: Serbisyong Hatid sa Naval
Muling naghatid ng tulong at malasakit ang DUAW sa iba’t ibang barangay ng Naval, para mas mailapit ang serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan sa ating mga kababayan.
Kabilang sa mga naihatid na tulong ang:
– Libreng bigas
– Medical kits at mga gamot
– Medical assistance para sa mga health center
– Water dispensers at electric fans para sa mga barangay
Taos-pusong pasasalamat sa mga barangay officials ng Naval at sa lahat ng katuwang na naging bahagi ng matagumpay na programa.
Isang Paglalakbay ng Malasakit
Ngayong linggo, binisita ang Barangay Libtong, Villacaneja, at Cabungaan upang ihatid ang mga kahilingan ng bawat barangay, ipaalam ang mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan, at mamahagi ng 12.5 kilo ng AKAP Rice sa mahigit 1,000 pamilya, kasama ang kaunting ulam para sa lahat.
Sama-Sama Tungo sa Mas Matatag na Biliran
Sa bawat sako ng bigas, bawat gamot, at bawat pagbisita, naipapakita natin ang tunay na diwa ng malasakit at serbisyo.
Patuloy tayong magtutulungan. Patuloy tayong magmamalasakit. Sapagkat sa Biliran, walang maiiwan at walang makakalimutan.
Mabuhay ang Biliran! Mabuhay ang bawat Biliranon!

