Biliran Facebook Updates
Image Alt

Mental Health Matters: Huwag Harapin Mag-isa

Mental Health Matters: Huwag Harapin Mag-isa

May mga pagkakataon na ang bigat ng mga hamon sa buhay ay nakaaapekto sa ating isip, damdamin, at pang-araw-araw na pamumuhay. Kung ikaw, ang iyong mahal sa buhay, o isang kaibigan ay nakararanas ng depression, anxiety, matinding pag-aalala, o emotional distress, huwag mag-atubiling humingi ng tulong.

Magpatingin at makipag-usap sa ating Mental Health Clinic sa OPD–BPH, bukas tuwing Linggo, 8:00 AM–4:00 PM.

LIBRENG SERBISYO para sa mga nangangailangan ng gabay, suporta, at wastong pangangalaga sa mental health.

Tandaan: Hindi kahinaan ang paghingi ng tulong. Ito ay tapang at pagmamalasakit sa sarili. Sama-sama nating pangalagaan ang ating kalusugan—pisikal man o mental.

SERBISYONG BILIRANON

Malapit sa tao. May malasakit. Para sa bawat Biliranon.

Facebook Comments Box